Ako po si DONAH Isang PINAY. Ang blog na ito ay naglalaman ng mga kahanga-hangang ideya, kwento, larawan ng sino mang Pinoy na katang-tangi.

FROM CARLO QUINION:

"Kanina habang nag aantay sa McDo, may batang gustong pumasok pero ayaw papasukin ni manong guard kasi mukang pulubi. Tapos, tinignan ko kung pano sya makakapasok. Hehe

Sumabay sya sa mga papasok na isang pamilya. Hindi sya napansin ni guard ang galing! :D Tapos tumatabi sya sa mga kumakain para manghingi ng limos. E ako nag ipad ako nag laro ako ng karera kasi alam ko pag nakita nya na nag lalaro ako tatambay at manunuod sya sa likod ko. Ayun nalibang sya sa panunuod halos magkapalit na kami ng muka e! Haha. Nakita sya ni manong guard! Haha

"Anak ng! Pano ka nakapasok!” Sabi sa kanya.. Bumulong ako sa bata "shhh wag mong pansinin."

Humarap ako sa kanya inabutan ko ng 100 tapos nag salita ako ng malakas para marinig ni manong, ”O bumili ka ng burger tsaka coke. Ang tagal mo e kanina pa kita inaantay e, nasan si mama? Sabi ko naman sayo wag kang pagalagala e,” sabay tingin kay manong guard, “manong kapatid ko po.” wahahaha! Ayun nag apiran kami ni Leo.”


Credits to owner.


  1. call-me-dyosa reblogged this from ikwentomopinoy
  2. getsomeicedude reblogged this from ikwentomopinoy
  3. lleinchan reblogged this from ikwentomopinoy
  4. ikwentomopinoy posted this
ACABAD4©